well dahil prelims week, kelangan mag-aral.... pero anong ginagawa ko ngayon????....naguupdate ng blog.....napakabuti kong estudyante noh....hay ewan ko ba...sumasakit ang ulo ko sa mga exams namin this week....English,History,Math at Filipino....hindi ko sinasabing ayaw ko sa mga subjects na yan,pero hindi ko rin naman sila gusto...kaya ko lang sila pinag-aaralan kasi kelangan....ung tipong hindi ka makakagraduate pag bagsak ka....sa totoo lang lahat naman talaga ng sublects kelangang ipasa.....
masaya na rin ako dahil suspended ang klase dahil sa isang bagyo na hindi man lang nagpaparamdam.....parang trip lang ng gobyerno at ng kung sinu-sino na magsuspend....at dahil dyan...tinatamad ako....mas masarap naman matulog kaysa pasakitin ang ulo ko karereview....alam ko sasang-ayon kayo....kungwari pang hindi....
bago ako lubusang mahilis ng landas....sa totoo lang, hindi pa ako seryoso sa pag-aaral ko( Naku!!!! baka mabasa ng mommy ko!!!!) pero next sem talaga...magseseryoso na ako....pag naramdaman ko na na kelangan mag-aral....hehehehe....
sabi ng mga higher years sa amin, "ang 2nd year ang pinakamadaling taon sa college"...hindi ako naniniwala....so far, hindi ko yun nararamdaman....feeling ko mas madali pa ang first year ko....O baka sobra lang ang nagrerelax.... BASTA, PRELIMS WEEK= HELL WEEK....
Tuesday, August 14, 2007
Friday, August 3, 2007
dahil walang pasok at tinatamad akong magtype...
"It's the start of a long weekend"...noong una, wow!! ang bait ni God...isa sa mga gustung-gusto ng mga estudyante....mga araw na walang pasok,kesyo may bagyo, lindol,tsunami o kaya natripan na naman ni PGMA na magdeclare ng suspension of classes..ano pa naman ang dahilan, isa pa rin ito sa patok na patok na balita sa mga estudyateng katulad ko at katulad mo( kung hindi ka na estudyante, kick-out, drop out o grad na, malamang isa ka rin sa mga sasang-ayon sa akin)
Pero isa rin ito sa mga ayaw kong balita...bakit?? malamang ang una nyong iisipin ay kill-joy akong tao sa personal..well, you're 50% right.. kung ikaw ba naman ung taong walang night-life o hindi mahilig gumimik, hindi masyadong subsob sa trabaho at walang maisip na pagkakaabalahan, mas gugustuhin mo nalang na umistambay sa bahay...katulad ko...hindi naman sa hindi ako gimikera..sadyang kapos lang ako sa pera at wala talaga akong pupuntahan kung sakaling magkaroon akong ng extrang pera..
Kaya eto, nasa harap ng pc at nagtytype ng mga salitang naiisip ko at gusto kong ikwento..hehehehe...masyadong exciting ang buhay ko lalo na pag nasa bahay lang ako..gigising ng mga 10 o 11 ng umaga, manunuod ng tv, kakain, matutulog ulit, tapos manunuod ulit ng tv, kakain tapos matutulog ulit.. ang saya noh??!!! ganyan ako pag walang pasok..maliban nalang kapag nasa bahay ang mommy ko..75% ng mga nanay ay walang bahid ng katamaran sa mga katawan nila..un ay ayon sa mga obserbasyon ko...feeling ko tuloy hindi ako papasa bilang isang nanay...kasi super tamad ako...
Isa pa pala, pag walang pasok parang wala kang dahilan para mag-aral.. kadalasan, nag-aaral ang mga estudyante pag may exam sila sa susunod na araw..gumagawa sila ng mga assignments, papers, projects at kung anu-ano pang required kasi may deadline at dahil pressured sila..kung walang pasok..They will take the day easily at with a "no big deal" attitude..
Kaya nga gusto ko ng may pasok!!! meron kasi akong dahilan para suungin ang mga kalsada patungo sa aking eskwelahan sa loob ng mahigit isang oras para lang pumasok...at kung anu-ano yon ay alam kong wala kang pake at hindi mo na itutuloy ang pagbabasa sa blog ko...sa totoo lang tapos na ang post ko at tapos ka na rin magbasa...masaya naman ako at nakaabot sa dito...nagtiyaga kang basahin ang post na ito...at sana magkaroon ka na rin ng dahilan para pumasok sa eskwela...

Tuesday, July 24, 2007
sa internet shop....
nakikinig sa mp3 sa imeem....
tinitignan ang lahat ng tao sa paligid... hindi ko naman sila lahat kilala...
nag-iisip ng maraming bagay... naalala ko tuloy ang nangyari kanina papuntang UST...
habang nakasakay sa jeep, ung truck na nasa likod namin ay nabasagan ng windshield... well, umagang-umaga naglalaro ng basketball ang mga tambay sa isang kalye sa dimasalang...magandang morning exercise...yan tuloy...tinamaan ung windshield at parang umulan ng bubog....buti nalang walang nasaktan....pero paano kung natamaan ako ng isa sa mga bubog??? maikwekwentoko kaya itong experience na 'to??? paano ang mga naiwan ko sakaling hindi ako makaabot sa ospital ng buhay???
buti nalang hindi nangyari un...marami pa akong gustong gawin sa buhay ko...mapalad ako at buhay pa ako...well, ano pa bang masasabi ko kundi "thank God i'm alive" noh....
well, ito muna...kung sakaling may pumasok nanaman sa utak kong magulo eh magkakaroon ng iba pang post dito...
Monday, July 23, 2007
wait lang...
second post...
sxet!!!! akala ko tapos na ung computer class ko.... buti nalang we're free to roam around the world wide web.... grabe... tapos kaninang umaga ung truck sa likod ng jeep na sinasakyan ko, nabasag ung windshield..medyo umulan ng bubog, pero luckly, walang natamaan ng bubog... simula palang ng araw ko 'to......

nakakaantok.......
first post...
nandito ako ngayon sa computer lab....syempre computer class...nakakatamad....pagkatapos ng class ko sa computer, may philosophy, filipino at history pa ako....grabe!!!! ang boring ng mga klase ko pag tuesday at thrusday..... umpisa palang ito.....

Subscribe to:
Posts (Atom)